Pangalan:                                                                     Petsa:  

Hanay:

Pamagat: Ulat Papel para sa Reaksyon ng Nakaraang “State of the Nation Address” o SONA sa Kasalukuyang Taon

 

I. Pangunahing Ideya

            Ang reaksyon sa katatapos SONA ay mahalaga upang maisa-isa natin kung ano nga ba talaga ang ibig sabihin ng Pangulo.  Bilang mag-aaral, ang reaksyon natin ay napaka-importante dahil tayo ang henerasyon na mas makakaramdan ng estado ng Pilipinas.  Kung wala tayong reaksyon, ang SONA ay mistulang palabas lamang sa telebisyon na kung saan may nagtatalumpati.  Hindi sasagi sa ating isip kung ano ba ang magiging epekto ng mga nagawa at gagawin ng kasalukuyang Gobyerno sa atin, ating mga magulang, pamilya, kamag-anak at lipunan sa kabuuan.  Halimbawa, hindi natin masagot kung ligtas ba tayo sa mga lansangan ating dinadaan o kahit dito sa labas ng ating paaralan.  Ito ay dahil hindi natin alam kung ano na nga ba ang nagawa ng Gobyerno upang ibsan ang kriminalidad.  Kapag nahayaan ang kamangmangan ng tulad kong estudyante sa mga isyung ganito, magiging pabaya tayo sa ating pag-uwi, pagpasok o paglakad sa mga kalye na hindi alintana ang posibleng krimen sa paligid tulad ng kidnaping.  Subalit kung may reaksyon tayo sa SONA, mapapatunayan natin na may alam tayo at pagkaintindi sa mga ganitong isyu.  Magkakaroon tayo ng mas malawak na pang-unawa sa ating paligid at hindi na lang parating nagtatanong sa ating mga magulang o guro upang tayo ay gabayan.  Samakatwid, ang reaksyong ito ay makakatulong pag-ibayuhin ang ating kaisipan na ikakatuwa ng mga tao sa ating paligid.         

 

II. Argumento/ Pinagtatalunan

            Isa sa mga napanood kong argumento na tumutuligsa sa SONA ay ang malaking parte na tumutukoy sa mga importanteng inprastraktura at “tourist spots” sa ating bansa na layuning pag-ibayuhin at protektahan.  Subalit sa kabila nito, may mga kuro-kuro na ang na ang Opisina ng Pangulo ay nagmumungkahi na maaaring magtayo ng mga bahay ang mga dating empleyado ng La Mesa Watershed sa loob ng Watershed.  Ang Watershed na ito ay isang pangunahing pinagkukunan ng naiinom na tubig ng labin-dalawang milyong tao at pinagkakabuyahan din ng mga taong may payak na buhay na nakatira sa paligid nito.  Ang argumento ng mga tutol sa pahayag ay malaki ang posibilidad na masira ang Watershed kapag itinuloy ang mga proyektong pabahay sa loob nito.  Ang tubig ay magiging madumi na kung saan hindi na pwedeng inumin at ikakamatay ng mga nabubuhay sa tubig tulad ng isda at halaman.  Suportado ng mga organisasyong pangkalikasan at mga naninirahan sa paligid ng Watershed ang argumentong, “Isan-libong empleyado lamang ang makikinabang sa pabahay subalit milyon-milyong buhay ng tao gayundin ang buhay ng mga hayop, halaman at kalikasan ang maitataya sa proyekto”.  Isa pang pinagtatalunan ay ang pagbanggit ng Pangulo na ang La Mesa Watershed ay isang “protective area” kamakailan lamang na tumataliwas sa mga kuro-kuro at kanyang diin sa pagbabaibayo ng imprastraktura.                    

 

III. Kritisismo/ Reaksyon

            Ang mga nakalipas na pahayag at hakbang ng Pangulo at Gobyerno sa kabuuan ay lubos na nakaapekto sa kalidad ng SONA.  Kung maaari nga ba itong paniwalaan ay lubos na pinagdudahan ng mga taong tutol sa proyektong pabahay.  Bagaman hindi direktang tinalakay at pinaliwanag ng Pangulo ang kalagayan ng La Mesa Watershed sa SONA, sapat na ang napansin ng mga pro-La Mesa ng pagbibigay ng malaking parte ng SONA sa mga ulat ukol sa imprastraktura at “tourist spots”.  Ang naganap na iyon ang nagpaintindi sa mga pro-La Mesa na napakalaki pala ng kontribusyon ng mga imprastraktura ng Pilipinas sa kaunlaran nito.  Gayundin, sumasalamin ang naganap sa importansiyang binibigay ng Pangulo sa mga parehong imprastrukrang pang-lupa, pang-tubig at pang-himpapawid.  Subalit ng isipin ng malalim ng mga pro-La Mesa ang SONA at mga nakaraang hakbang ng Pangulo ukol sa La Mesa Watershed, hindi nila makita ang pagkakaugnay-ugnay nito.  Dahil doon, nagkaroon ng kalituhan, argumento at pagtatalo upang malaman kung ano nga ba ang balak ng Pangulo, ang prioridad ng Gobyerno at kinabukasan ng Watershed.    

 

IV. Mungkahi

            Kung titingnan ang argumento, masyadong madaming tao na maapektuhan kung itutuloy ang pabahay.  Milyun-milyon laban sa isang libo ang agwat.  Bilang Pangulo na sumasalamin sa “national interest” na nabanggit sa dulo ng SONA, mas angkop na piliin ang solusyong sasagot sa problema ng nakararami.  Gayundin, dahil pinakita sa SONA ang pagpapahalaga sa “tourist spots”, may importansya ding binibigay ang Pangulo sa kapaligiran.  Ang mga ito ang magsasabing karapat-dapat na piliin ang solusyon para sa kapakanan ng pro-La Mesa.  Sa mismong laman ng SONA, pwedeng imungkahi na isaalang-alang at ibilang ng Pangulo ang mga ulat at pagbibigay-halaga sa mga isyu na napapanahon.  Ang isyu ukol sa La Mesa Watershed ay napapanahon at importante subalit hindi binagyang ng sapat na pansin sa SONA.        

 


0 comments:

Post a Comment

 
Top